Php190K halaga ng droga, nasabat sa tatlong tulak ng droga sa San Mateo, Rizal

0
533

Naaresto ng mga operatiba ng San Mateo Municipal Police Station ang tatlong indibidwal, matapos makuhaan ng mahigit 28 gramo ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation, nitong madaling araw ng ika-19 ng Enero 2026 sa Barangay Silangan, San Mateo, Rizal.

Ang mga naarestong suspek ay kinilala lamang sa mga alyas na “Jano”, “Benjie”, at “Dodong”. Sila ay itinuturing na mga indibidwal na aktibong sangkot sa pagbebenta at paggamit ng iligal na droga sa nasabing barangay.

Sa isinagawang operasyon, nakumpiska mula sa mga suspek ang limang (5) pirasong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng puting kristal na substance na hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 28 gramo at may Standard Drug Price na Php190,400.

Narekober din sa posesyon ng mga suspek ang buy-bust money, recovered money, isang coin purse, at isang cellphone.

Ang mga suspek ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1LPuW9fJQt/