Binunot at sinunog ang tinatayang Php16.3 milyong halaga ng marijuana sa ikinasang Oplan “Maginam 01-01/2026” at Oplan “Green Gold 4” ng mga otoridad sa probinsya ng Kalinga nito lamang Martes, Enero 13, 2026.
Ayon kay Police Colonel Gilbert A Fati-ig, Officer-In-Charge ng Kalinga Police Provincial Office, sinira ang tinatayang nasa 5,000 marijuana plants na nagkakahalaga ng Php1,000,000 mula sa Brgy. Buscalan; 52,000 marijuana plants na nagkakahalaga ng Php10,400,000 mula sa Brgy. Loccong; 8,000 marijuana plants na nagkakahalaga ng Php1,600,000 mula sa Brgy. Butbut Proper; at 6,000 marijuana plants na nagkakahalaga ng Php1,200,000 mula sa Brgy. Ngibat; at 10,500 marijuana plants na nagkakahalaga ng Php2,100,000 mula sa Tulgao East.
Patuloy naman ang masusing imbestigasyon at operasyon ng Kalinga PNP upang matukoy ang iba pang posibleng taniman ng marijuana sa mga karatig-lugar at natunton ang mga indibidwal na nasa likod ng iligal na pagtatanim ng ipinagbabawal na droga.



