Php12M smuggled cigarettes, naharang sa Davao Oriental

0
1165
Screenshot

Matagumpay na naharang ng Philippine National Police (PNP) ang tinatayang aabot sa 12 milyong halaga ng mga ilegal na sigarilyo sa ipinatupad na joint law enforcement operation sa Governor Generoso, Davao Oriental nito lamang May 1, 2026.

Nanguna sa operasyon ang Governor Generoso Municipal Police Station, katuwang ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) 11, Regional Intelligence Unit 11, Provincial Intelligence Unit, the 2nd Davao Oriental Provincial Force Mobile Company, Philippine Army, Philippine Coast Guard, at ang National Bureau of Investigation, dakong alas 1:40 ng madaling-araw.

Naaresto ng mga awtoridad ang isang 47-year-old na lalaking suspek habang nakumpiska naman ang iba’t ibang mga kontrabandong sigarilyo na walang mga permit at tax documentation. Pinaniniwalaan ding nakatakda itong i-distribute sa iba’t ibang lugar para ibenta nang walang legal na pahintulot.

“Patuloy ang ating kampanya laban sa smuggling dahil malinaw ang epekto nito sa ating ekonomiya at sa kabuhayan ng ating mga mamamayan. Hindi natin hahayaan na manaig ang mga ganitong gawain. Ang PNP, katuwang ang iba’t ibang ahensya, ay mananatiling alerto at handang umaksyon,” sabi pa ni Chief, PNP, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr.

“This operation highlights the importance of inter-agency collaboration. When we work together, mas nagiging epektibo ang ating pagpapatupad ng batas. We will sustain these efforts to protect legitimate businesses and ensure accountability,” dagdag pa niya.

Leave a Reply