Nasamsam ang tinatayang Php1.2 milyong halaga ng shabu mula sa isang High Value Individual (HVI) sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Jibolo, Janiuay, Iloilo, bandang 5:14 ng hapon noong Marso 16, 2026.
Kinilala ang suspek na si alyas “Pikot”, isang 36-anyos, na residente ng nasabing barangay.
Ang suspek ay inaresto ng mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) Team 2, sa tulong ng Janiuay Municipal Police Station at ng Provincial Intelligence Unit, matapos ang dalawang linggong pinaigting na intelligence monitoring at isang tip mula sa komunidad.
Nasamsam sa operasyon ang limang (5) plastic sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 175 gramo, na may Standard Drug Price (SDP) na Php1,190,000, buy-bust money at iba pang hindi drogang mga kagamitan.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Pinuri ni Police Brigadier General Josefino D. Ligan, Regional Director ng PRO6, ang mga operatiba para sa matagumpay na operasyon at muling pinagtibay ang kanilang pangako sa kaligtasan ng publiko.
“PRO6 remains relentless in its campaign against illegal drugs. We commend our operating units for their dedication and the community for their continued cooperation. Through strong collaboration and sustained operations, we will continue to hold accountable those who threaten the safety and well-being of our communities,” ani PBGen Ligan.



