Pinangunahan ni PNP Chief PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang oath-taking at donning of ranks ceremony ng tatlong bagong naitalagang Police Brigadier General noong Hulyo 20, 2026 sa PNP Officers’ Star Lounge, Camp Crame. Pormal na na-promote sa ranggong Police Brigadier General sina PBGen Ronaldo I. Fulo, PBGen Aaron M. Mandia, at PBGen Pierre Paul F. Carpio, bilang pagkilala sa kanilang natatanging pamumuno, propesyonalismo, at dedikasyon sa paglilingkod sa sambayanan.
Ipinakikita ng promosyon ang patuloy na pagpapahalaga ng Philippine National Police sa merit at kahusayan sa serbisyo publiko, habang higit na pinatatatag ang liderato ng organisasyon upang matiyak ang mas responsable at people-centered na pagpapatupad ng mga programa at operasyon para sa kapayapaan at kaayusan sa bansa.
Muling pinagtitibay ng PNP ang pangako nitong bumuo ng isang mas mahusay at mas mapagkakatiwalaang hanay ng kapulisan sa pamamagitan ng pagkilala sa mga karapat-dapat na lider, alinsunod sa adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: PNP-PIO



