Lebak MPS, nagsagawa ng Tree Planting Activity

0
773

Nagsagawa ng mangrove tree planting activity ang mga tauhan ng Lebak Municipal Police Station (MPS) bilang pagdiriwang ng 31st Police Community Relations Month sa Katunggan Eco Park sa Barangay Taguisa, Lebak, Sultan Kudarat noong Hulyo 21, 2026. 

Isinagawa ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard–Sultan Kudarat, Bureau of Fire Protection (BFP)-Lebak, Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), at Barangay Local Government Unit (BLGU) ng Taguisa.

Layunin ng pagtatanim ng mangroves na isulong ang pangangalaga sa kalikasan, konserbasyon ng mga baybayin, at aktibong pakikilahok ng komunidad. Bahagi rin ito ng patuloy na pagpapalakas ng ugnayan ng Philippine National Police at iba pang ahensya ng pamahalaan at mga lokal na stakeholder sa pagpapatupad ng mga programang pangkalikasan.

Ayon sa Lebak MPS, ipinakita ng sama-samang aktibidad ang iisang layunin ng mga kalahok na mapangalagaan ang kapaligiran at makapag-ambag sa pagbuo ng isang mas malinis, mas ligtas, at mas matatag na komunidad na layunin ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply