PCol Silvio, nagsagawa ng inspeksyon sa mga nakadeploy na personnel

0
819

Nagsagawa ng inspeksyon si Police Colonel Randy Glenn Silvio, Acting District Director ng QCPD, sa mga naka-deploy na personnel sa EDSA Shrine, People Power Monument (PPM), at House of Representatives (HOR) noong Setyembre 21, 2025, upang tiyakin ang kanilang kahandaan para sa mga inaasahang prayer at indignation rally at iba pang aktibidad ngayong araw.

Kabilang sa sinuri ang deployment ng civil disturbance management teams, mobile patrol units, at traffic personnel na nakatalaga sa iba’t ibang rally points ng Quezon City.

Gayundin ang mga inilatag na seguridad at contingency measures upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at ang mapayapang pagsasagawa ng aktibidad.