PCADG Closing Ceremony ng Galil Ace Riffle Familiarization Training, pinangunahan ni PBGen Guzman

0
477

Pinangunahan ni Police Brigadier General Vina H Guzman, Director ng Police Community Affairs and Development Group ang Closing Ceremony ng Galil Ace Riffle Familiarization Training kasama sina Police Colonel Joel T Ada, Chief of Staff at Police Colonel Haroun Pagador, Chief, ARMD sa PNP Museum, AVR, Camp BGen Rafael T Crame, Quezon City bandang 8:00 ng umaga nito lamang Lunes, Pebrero 23, 2026.

Ang Galil Ace Riffle Familiarization Training ay isinagawa sa loob ng limang araw na may kasamang practical shooting na isinagawa sa NCRPO Firing Range.

Nasa 50 PCADG personnel ang unang sumalang sa naturang training na naglalayon na hasain ang kakayanan, kahandaan, at kagalingan ng bawat pulis sa paggamit ng mataas na kalibre ng baril.

Ito ay naging posible dahil sa pagbabahagi ng kaalaman ng dalawang subject matter expert na sina Police Senior Master Sergeant Mark Roger Versoza at Police Master Sergeant Mark Anthony J Cabanting ng National Capital Region Police Office.

Samantala, itinanghal na Top Gun sa male category si Police Corporal Darel L Mantilla at Patrolwoman Clarisse Miraflor para sa female category.

Sa mensahe ni PBGen Guzman, hinikayat nito na ibahagi ang kaalaman, huwag kalimutan ang natutunan sa technical training, isapuso ang cardinal rules ng marksmanship upang magamit sa mga pagkakataon na kinakailangan.