PCADG at PNN, kinilala sa ASEAN Excellence Achievers Awards 2026

0
24

Kinilala ang Philippine National Police–Police Community Affairs and Development Group (PNP-PCADG) at Pulis News Network (PNN) sa ginanap na ASEAN Excellence Achievers Awards 2026 noong Agosto 18, 2026, sa OKADA Manila, bilang pagkilala sa kanilang natatanging ambag sa pampublikong serbisyo, community relations, at walang kinikilingang pamamahagi ng balita sa publiko.

Ginawaran si PBGen Vina H. Guzman, Director ng PCADG, ng ASEAN Excellence in Public Service and Community Relations Award dahil sa kanyang huwarang pamumuno sa pagpapalakas ng ugnayan ng pulisya at komunidad at pagpapaigting ng tiwala ng publiko sa PNP.

Samantala, kinilala ang Pulis News Network (PNN) bilang ASEAN Excellence in Media and Communication Platform dahil sa mahalagang papel nito sa paghahatid ng napapanahon, wasto, at malinaw na impormasyon tungkol sa mga programa at aktibidad ng PNP. Tinanggap ni PLtCol Brenda O. Garcia, Acting Chief ng Information and Communications Development Division (ICDD), ang parangal para sa PNN.

Kinilala rin sina PCpt Cherry T. Vicente, na ginawaran ng ASEAN Excellence in Supervising Media Platform para sa mahusay na pangangasiwa sa mga media dissemination channels, at NUP Loreto Bonifacio Concepcion, na tumanggap ng ASEAN Excellence in Journalism and Advocating Animals Award dahil sa kanyang ambag sa pamamahayag at adbokasiya para sa kapakanan ng mga hayop.

Ipinapakita ng mga parangal na ito ang patuloy na pagsisikap ng PCADG at PNN na gawing mas matatag ang ugnayan ng PNP at mamamayan sa pamamagitan ng makabagong komunikasyon at serbisyong nakasentro sa komunidad.

Patuloy na itinataguyod ng PNP ang “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” tungo sa isang organisasyong higit na bukas, mapagkakatiwalaan, at tunay na kaagapay ng bawat Pilipino.

Source: PCADG

Leave a Reply