PCADC Class ng Palawan PPO, nagsagawa ng Community Outreach Program sa isang Indigenous Community sa Narra

0
124

Matagumpay na nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga mag-aaral ng Police Community Affairs and Development Course (PCADC) Class 02-051-R4B-2026-015 ng Palawan Police Provincial Office (PPO) sa isang Indigenous Community sa Upper Quirino Extension, Brgy. Poblacion sa bayan ng Narra, Palawan, October 29, 2026, dakong alas 8:00 ng umaga.

Katuwang ng grupo ang mga tauhan ng Narra Municipal Police Station, 2nd Platoon ng 1st Palawan Provincial Mobile Force Company sa pamumuno ni PLt Daniel A Arevalo, Platoon Leader, sa ilalim ng superbisyon ni PLtCol Randy Rajah V Ramos, Force Commander, at ang 401st Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion MIMAROPA, at ng iba pang mga stakeholders.

Naging posible ang naturang inisyatiba sa pamamagitan ng mainit na suporta ng Local Government Unit ng bayan ng Narra, mga Barangay Officials ng Brgy. Poblacion, Narra Chapter ng Philippine Commando Brotherhood Inc., Alpha Rho Sigma, Hon. Ferdinand Zaballa, Sumondong Rice Mill, at ang opisina ng Acting Municipal Mayor na si Hon. Edmond Gastanes.

Namahagi ang grupo ng mga serbisyo gaya ng libreng gupit, hot meals at feeding program, food packs, clothing, hygiene kits, at special treats para sa mga bata.

Bahagi rin ng programa sa Best Practice ng Palawan Police Provincial Office ang proyektong “Adal Kalsada”, kung saan inilalapit ng Pambansang Pulisya sa mga kabataan ang pagkatuto at panibagong mga kaalaman sa pamamagitan ng storytelling, simultaneous reading sessions, at nakakatuwang mga educational games at parlor games.

Bilang pagtalima sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” inaasahang magpapatuloy ang parehong mga programa para sa lahat ng mga residenteng mas nangangailangan sa nasabing mga serbisyo sa pangunguna ng ating mga kapulisan katuwang ang iba pang mga ahensya ng pamahalaan.

Source: https://www.facebook.com/share/p/19wWmSQViL/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply