Nagsagawa ng Command Visit si PBGen Dominic L. Baccay, Acting Regional Director ng Police Regional Office 4A (PRO4A), sa Regional Mobile Force Battalion 4A (RMFB4A) sa Camp Gen. Macario Sakay, Los BaƱos, Laguna noong Agosto 21, 2026, bilang bahagi ng kanyang pagsisikap na mapalakas ang pamumuno, kahandaan, at kapakanan ng mga tauhan. Siya ay mainit na tinanggap ni PCol Meliton A. Salvadora Jr., Force Commander ng RMFB4A, kasama ang mga tauhan ng yunit.
Bilang pagkilala sa kanilang natatanging serbisyo at mga nagawa, ginawaran ni PBGen Baccay ang mga piling tauhan ng RMFB4A na nagpakita ng kahusayan, dedikasyon, at matibay na pangako sa tungkulin. Isinagawa rin ang āTalk to Menā session upang mapalakas ang morale, welfare, at motibasyon ng mga pulis sa kanilang patuloy na paglilingkod.
Sa naturang pakikipag-ugnayan, inilatag ni PBGen Baccay ang kanyang policing framework na āPRO B.E.S.T.ā ā Be Visible, Engage Immediately, Serve Together, and Transform Trust, na magsisilbing gabay sa mga tauhan upang maisagawa ang kanilang tungkulin nang maagap, mahusay, propesyonal, at may malasakit sa komunidad.
Nagkaroon din ng conference upang talakayin ang mahahalagang usaping pangseguridad, mga operational priorities, at mga estratehiya para mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa buong CALABARZON.
Ang naturang hakbang ay sumasalamin sa patuloy na pagsusulong ng PNP ng serbisyong nakatuon sa mamamayan, alinsunod sa adhikaing āBagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.ā
Source: PRO4A (https://www.facebook.com/share/19DChYGkyG/?mibextid=wwXIfr)



