PBGen Abad, nanguna sa Command Visit at Turnover ng mga kagamitan sa LCPO

0
65

Nagsagawa ng Official Command Visit si Police Brigadier General Arnold Evangelista Abad, Acting Regional Director ng Police Regional Office 7 (PRO7), sa Lapu-Lapu City Police Office (LCPO) noong Mayo 26, 2026.

Tampok sa naturang aktibidad ang turnover ng ICT equipment at mobility assets na magpapahusay sa communication capability at operational mobility ng LCPO bilang suporta sa layunin ng Philippine National Police na maihatid ang “Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Dumalo sa programa sina Lapu-Lapu City Mayor Maria Cynthia “Cindi” King Chan, LCPO City Director PCOL Agosto P. Daskeo, at iba pang opisyal ng kapulisan at lokal na pamahalaan.

Nagkaroon din ng briefing at open forum kung saan tinalakay ang peace and order situation ng lungsod, maging ang operational accomplishments ng pulisya, at iba pang concerns ng LCPO personnel.

Ayon sa PRO7, bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng himpilan upang matiyak na ang mga police unit sa rehiyon ay mission-ready at may sapat na kakayahan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.

Leave a Reply