Patuloy na nakaalerto ang Pangasinan Police Provincial Office (PPO) upang matiyak ang mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayang apektado ng malakas na pag-ulan, pagbaha at iba pang insidenteng dulot ng kalamidad.
Noong Agosto 19, 2026, patuloy na isinagawa ng mga tauhan ng Pangasinan PNP ang iba’t ibang disaster response activities, kabilang ang rescue operations, police assistance at iba pang kinakailangang intervention sa mga lugar na nangangailangan ng agarang tulong.
Naka-deploy ang mga tauhan ng pulisya sa mga lugar na posibleng maapektuhan ng pagbaha at iba pang panganib upang tumulong sa paglikas ng mga residente, pag-assist sa mga stranded na mamamayan, at pagpapanatili ng seguridad at kaayusan sa panahon ng kalamidad.
Ang naturang pagtugon ay isinagawa bilang bahagi ng koordinasyon ng kapulisan sa mga kinauukulang local government units at disaster response agencies upang matiyak ang agarang pagresponde sa mga nangangailangan. Kamakailan lamang, nagsagawa rin ng search, rescue at evacuation operations ang mga pulis sa Alaminos City para sa mga residenteng naapektuhan ng pagbaha.
Ipinakita ng mga hakbang na ito ang kahalagahan ng mabilis na mobilisasyon at koordinasyon ng mga awtoridad sa panahon ng sakuna, lalo na sa harap ng patuloy na epekto ng malalakas na pag-ulan at pagbaha sa ilang bahagi ng Luzon.
Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan
Source: Pangasinan PPO



