Patuloy ang paghahatid ng seguridad at police assistance ng Pampanga Police Provincial Office (Pampanga PPO) sa isinagawang “Libreng Sakay” initiative ni Governor Lilia G. Pineda noong Agosto 11, 2026, bilang tugon sa epekto ng pagbaha at pagkaantala ng pampublikong transportasyon sa lalawigan. Pinangunahan ni PCol Ricardo M. David, Acting Provincial Director, ang mga tauhang nakatalaga upang matiyak ang kaligtasan ng mga commuter.
Isinasagawa ang libreng sakay sa rutang Apalit–Sto. Tomas at pabalik, mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi. Tatlong truck ang inilaan upang magsakay at ligtas na maihatid ang mga pasaherong stranded bunsod ng pagbaha, na nagbibigay ng mahalagang tulong sa mga residenteng nangangailangan ng alternatibong transportasyon.
Sa pamamagitan ng maagap na police assistance at pakikiisa sa mga hakbang ng pamahalaang panlalawigan, patuloy na ipinapakita ng Pampanga PPO ang malasakit at kahandaan ng PNP sa panahon ng sakuna at emerhensiya, kaakibat ang paninindigang maghatid ng ‘serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.’
Source: Pampanga PPO



