Palawan PPO, nagtalaga ng 212 PNP personnel at 43 Assistance Desks para sa “UNDAS 2026”

0
104

Pinaigting ng Palawan Police Provincial Office sa ilalim ng pamumuno ni PCol Joel D Casupanan, Provincial Director, ang police visibility para sa payapa at ligtas na paggunita ng All Saints’ and All Souls’ Day o “UNDAS 2026,” simula October 31 hanggang November 3, 2026.

Tinatayang nasa kabuuang 171 personnel ang itinalaga ng Palawan PNP sa 43 Police Assistance Desks (PADs) na itinalaga sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan kung saan sakop nito ang 43 sementeryo. Bukod pa rito, nagtalaga rin ang Regional at Provincial Mobile Force Battalion ng 41 personnel, habang 196 personnel naman ang itinalaga mula sa ibang mga uniformed agencies at force multipliers na tutulong sa pagbabantay sa seguridad.

Samantala, pinaigting din ng Palawan Tourist Police Unit ang kanilang police beat at mobile patrol operations sa mga tourist attractions ng lalawigan habang nakipag-ugnayan sila sa mga resort owners at iba pang mga security agencies para sa pagtiyak ng kaligtasan at seguridad ng mga turista.

Naglunsad din ng mga Information, Education, and Communication (IEC) campaigns ang Palawan PPO, kasama ang ilang mga municipal police stations, kaugnay ng mga crime prevention at safety advisories. Layon ng nasabing mga inisyatiba na pagtibayin ang kaalaman ng publiko kaugnay sa mga posibleng modus operandi sa panahon ng Undas, kabilang na ang online booking scam at mga fraudulent travel offers.

Alinsunod sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman,” pinaaalalahanan ng Palawan PPO ang publiko na isasaalang-alang ang kaligtasan ng kanilang mga pamilya, partikular na ang mga nakakatanda at mga menor de edad, habang ipinagdiriwang ang UNDAS. Nagpaalala rin ang pamunuan kaugnay ng mataas na heat index, kung saan inabisuhan ang publiko na uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang hindi kanais-nais na mga pangyayari.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1MGox4w4S3/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply