Pagkilala sa mga natatanging alagad ng batas, isinagawa sa 7th Outstanding Police Service Awards

0
140

Matagumpay na idinaos ang ika-7 Outstanding Police Service Awards, isang prestihiyosong programa na nagsilbing pagkilala sa mga natatanging pulis at yunit ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang kahusayan at tapat na paglilingkod sa mamamayan, na isinagawa sa pakikipagtulungan ng JCI Manila at Ignacio B. Gimenez Foundation, Inc. noong Hunyo 5, 2025 sa Multi-Purpose Center, Camp BGen Rafael T Crame, Quezon City.

Dumalo sa naturang okasyon ang mga matataas na opisyal mula sa hudikatura, executive department, at iba’t ibang sektor ng lipunan upang parangalan ang mga indibidwal at yunit ng kapulisan na nagbigay ng mahalagang ambag sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.

Sa kanyang mensahe bilang kinatawan ng PNP Chief PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr., binigyang-diin ni PBGen Vina H. Guzman, Director ng Police Community Affairs and Development Group (PCADG), ang mahalagang papel ng matibay na ugnayan sa pagitan ng kapulisan at komunidad. Aniya, ang tiwala ng mamamayan ang nananatiling pundasyon ng tunay at pangmatagalang kapayapaan at kaayusan sa bansa.

Sa mensaheng inihatid niya para kay PGen Nartatez, pinuri rin ni PBGen Guzman ang mga awardee dahil sa kanilang mataas na antas ng propesyonalismo at pananagutan sa tungkulin. Hinikayat din niya ang buong hanay ng kapulisan na patuloy na isabuhay ang pakikipagtulungan sa komunidad, alinsunod sa adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.”

Leave a Reply