Abra PNP nagsagawa ng outreach program sa Malibong, Abra; 120 mag-aaral napamahagian ng school supplies

0
150

Matagumpay na nagsagawa ang mga tauhan ng Abra Police Provincial Office (PPO) ng isang makabuluhang community outreach activity sa Barangay Buanao, Malibcong, Abra noong Hunyo 4, 2026.

Pinangunahan ang aktibidad ni Police Major Francisco O. Ben, Acting Chief ng Police Community Affairs and Development Unit (PCADU), katuwang ang 1st Abra Provincial Mobile Force Company at Malibcong Municipal Police Station. Nakiisa rin ang RPSB Team at ang 50th Infantry Battalion, 5th Infantry Division, Philippine Army sa pangunguna ni Lieutenant Colonel Ferdinand A. Baluyot, INF (GSC) PA, Commanding Officer, kasama ang iba pang mga stakeholder ng komunidad.

Tampok sa aktibidad ang pamamahagi ng school supplies sa 120 mag-aaral ng Bangilo Elementary School at Let-ey Primary School upang makatulong sa kanilang mga pangangailangang pang-edukasyon. Nagkaloob din ang RPSB Team ng libreng gupit para sa mga mag-aaral at residente ng lugar bilang bahagi ng kanilang serbisyo sa komunidad.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni PMaj Ben ang kahalagahan ng edukasyon at hinikayat ang mga magulang na patuloy na suportahan ang kanilang mga anak. Aniya, ang edukasyon ay isang mahalagang pamana na magbibigay ng mas magandang kinabukasan sa susunod na henerasyon.

Layunin ng aktibidad na higit pang palakasin ang ugnayan sa pagitan ng pulisya at komunidad, habang naghahatid ng tulong at inspirasyon sa mga kabataan. Ito ay nakaangkla sa adhikain ng Philippine National Police na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source:  PNP Abra Police Provincial Office

Leave a Reply