Outreach Program para sa Agta Community sa Gattaran, matagumpay na naisagawa

0
46

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 31st Police Community Relations (PCR) Month, matagumpay na naisagawa ang isang Outreach Program para sa Agta Community noong Hulyo 20, 2026 sa Brgy. Capissayan Sur, Gattaran, Cagayan.

Pinangunahan ang aktibidad ng Cagayan Tour Guide Association at Pag-asa, Pagmamahal Alay sa Agta, katuwang ang 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company (CPMFC) sa pamumuno ni PMaj Abdel Aziz D. Maximo, Acting Force Commander, kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, pribadong organisasyon, at iba pang stakeholders.

Nakiisa rin sa programa sina Ms. Rina Andrea Delos Santos, Miss Earth Philippines 2026; Hon. Edgar Aglipay, Gobernador ng Cagayan; at Hon. Matthew Nolasco, Punong-Bayan ng Gattaran, na nagpahayag ng kanilang suporta sa mga programang naglalayong mapaunlad ang kapakanan ng mga katutubong pamayanan sa lalawigan.

Kabilang sa mga serbisyong inilapit sa mga benepisyaryo ang medical check-up, feeding program, pamamahagi ng school supplies, mga damit at iba pang donasyon, libreng gupit, at iba’t ibang community engagement activities na naghatid ng tulong at saya sa mga miyembro ng Agta community.

Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatiba, patuloy na pinagtitibay ng 1st Cagayan PMFC ang pakikipagtulungan nito sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, pribadong sektor, at mga katuwang na organisasyon upang mailapit ang mga pangunahing serbisyo sa mga komunidad, lalo na sa mga Indigenous Peoples (IPs), bilang bahagi ng pagsusulong ng inklusibong kaunlaran, malasakit, at matatag na ugnayan sa komunidad, alinsunod sa adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PNP 1st Cagayan PMFC

Leave a Reply