NPD nagsagawa ng Send-Off Ceremony para sa mga CDM contingents na i-de-deploy sa SONA 2026

0
68

Nagsagawa ng Send-Off Ceremony ang Northern Police District (NPD) para sa mga Civil Disturbance Management (CDM) Contingents na i-de-deploy sa ika-5 State of the Nation Address (SONA), sa punong himpilan ng NPD upang tiyakin ang kahandaan ng mga kapulisan para sa gaganaping SONA sa July 27, 2026.

Isinagawa ang seremonya alinsunod sa pamumuno at mga direktiba sa operasyon ni PBGen Benliner L. Capili, Acting District Director ng Northern Police District. Dumalo rin sa programa ang Command Group na pinangunahan ni PCol Relly B. Arnedo, District Director for Administration, kasama si PCol Darnell T. Dulnuan, Chief of the District Directorial Staff, at iba pang mga opisyal ng distrito.

May kabuuang 815 na tauhan mula sa mga City Police Station ng CAMANAVA, District Mobile Force Battalion (DMFB), at District Headquarters (DHQ) ang itatalaga upang magbigay ng seguridad at suporta sa pagpapanatili ng kaayusan sa panahon ng ika-5 SONA.

Layunin ng send-off ceremony na ihanda ang mga idedeploy na tauhan sa epektibong pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, pagpapatupad ng prinsipyo ng maximum tolerance sa panahon ng mga pampublikong pagtitipon, at paggalang sa karapatang konstitusyonal ng bawat mamamayan na mapayapang magtipon at malayang maipahayag ang kanilang mga saloobin. Higit sa lahat, muling pinagtibay ng NPD ang kanilang pangako na gampanan ang kanilang tungkulin nang may propesyonalismo, disiplina, at mahigpit na pagsunod sa mga umiiral na operational guidelines at pamantayan sa karapatang pantao.

Leave a Reply