Norala PNP, nanguna sa paghahatid ng mga school supplies sa IP Community bilang paghahanda sa Balik-Eskwela 2026

0
311

Nanguna ang mga tauhan ng Norala Municipal Police Station sa paghatid ng mga school supplies sa Indigenous Peoples (IP) Community bilang paghahanda sa Balik-Eskwela 2026 noong Mayo 31, 2026 sa El Kuda Elementary School, Sitio El Kuda, Barangay Puti, Norala, South Cotabato.

Isinagawa ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng Tau Gamma Phi–Tacurong Council at Norala Chapter bilang bahagi ng paghahanda para sa pagbubukas ng klase sa School Year 2026–2027.

Nabigyan ng mga school supplies at iba pang kinakailangang kagamitan ang humigit-kumulang 90 mag-aaral na katutubo upang matulungan maging handa sa kanilang pag-aaral. Layunin din ng aktibidad na hikayatin at bigyang-inspirasyon ang mga mag-aaral na ipagpatuloy ang kanilang edukasyon sa kabila ng mga hamon na kanilang kinakaharap.

Ang ganitong mga gawain ay nagpapakita ng patuloy na suporta ng Norala PNP sa sektor ng edukasyon at sa kapakanan ng mga kabataan, lalo na sa mga katutubo na nakatutulong sa pagpapatibay ng ugnayan sa pagitan ng pulisya, paaralan, at komunidad tungo sa mas inklusibo at maunlad na lipunan na naayon sa adhikain na Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply