Naka-full alert status ang pamunuan ng National Capital Region Police Office sa ilalim ng pamumuno ni Police Major General Anthony A Aberin, Regional Director, kaugnay sa White Ribbon Movement Prayer and Indignation Rally na gaganapin sa darating na Linggo, Hunyo 28, 2026.
Ayon kay PMGen Aberin, tinatayang nasa 9,553 na mga pulis ang magpapatupad ng komprehensibong security plan upang matiyak ang mapayapa, maayos, at ligtas na pagsasagawa ng aktibidad habang iginagalang ang karapatang konstitusyonal ng publiko sa mapayapang pagtitipon.
Isinagawa ang malawakang deployment sa buong rehiyon sa mga kritikal na lugar kabilang ang People Power Monument, EDSA Shrine, CRB Mendiola, Ayala Bridge, Embahada ng Estados Unidos, mga pangunahing lansangan, rutang pangtransportasyon, mga checkpoint ng kapulisan, border control points, at iba pang natukoy na convergence areas sa buong Metro Manila.
Layunin ng layered security posture na ito na matiyak ang mabilis na pagtugon, maayos na crowd management, at tuloy-tuloy na pagmamanman sa sitwasyon.
Upang higit pang mapataas ang kahandaan, inilagay ang NCRPO sa ilalim ng Full Alert Status simula 5:00 ng hapon noong Hunyo 26, 2026 hanggang sa matapos ang security operations.
Pinalalakas ang mga paghahanda sa pamamagitan ng mahigpit na koordinasyon sa Pamahalaang Lungsod ng Quezon, mga organizer ng aktibidad, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), mga emergency responder, at iba pang katuwang na ahensya alinsunod sa napagkasunduang security arrangements sa Memorandum of Undertaking.
Batay sa pinagsamang operational plan, inaasahang aabot sa 10,000 katao ang lalahok sa aktibidad sa kahabaan ng White Plains Avenue, Quezon City, mula 2:00 ng hapon hanggang hindi lalampas sa 8:00 ng gabi.
“No officer deployed today should forget the weight of their responsibility. We are here to protect lives, preserve order, and defend the rights guaranteed by our Constitution. I expect every NCRPO personnel to act with discipline, maximum tolerance, and absolute respect for human rights. We will enforce the law firmly, fairly, and without exception,” saad ni PMGen Aberin.



