Most Wanted Person, timbog ng Sta. Maria PNP

0
681

Naisilbi ng Santa Maria Municipal Police Station (Lead Unit) katuwang ang PIT Bulacan East, RIU 3 ang Warrant of Arrest laban sa isang Most Wanted Person bandang 1:40 ng tanghali ng Disyembre 24, 2025 sa Barangay Poblacion, Santa Maria, Bulacan.

Kinilala ni PLtCol Mark Louie M Sigua, Chief of Police ng Santa Maria MPS, ang suspek na si alyas “Ron”, 39 taong gulang, residente ng Northern Samar.

Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa mga kasong Statutory Rape at Acts of Lasciviousness in relation to Republic Act 7610, na na walang inirekomendang piyansa para sa dalawang (2) bilang.

“Ang matagumpay na pagsisilbi ng mga warrant ay malinaw na mensahe na ang batas ay patuloy na umiiral at ang mga kriminal ay pananagutin, saan man sila magtago,” ani PCol Angel L Garcillano, Provincial Director ng Bulacan PPO.

Source: Bulacan Police Provincial Office FB Page