Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa Barangay Imelda, Mondragon, Northern Samar nito lamang Agosto 21, 2025.
Kinilala ni Police Captain Solomon A Agayso, Officer-In-Charge ng 803rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8, ang nagbalik-loob na si alyas “Baing”, 60 anyos, magsasaka at residente ng Barangay Roxas Lope de Vega, Northern Samar.
Ang pagbabalik-loob ay resulta ng matagumpay na panawagan at pakikipagnegosasyon ng mga tauhan ng 803rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8 kasama ang 1st Northern Samar Provincial Mobile Force Company, 3rd Special Action Battalion, 35th Special Action Company, PNP-SAF, Mondragon Municipal Police Station, Provincial Intelligence Team Northern Samar at Regional Intelligence Unit 8.
Isinuko rin ng nasabing surrenderee ang isang yunit ng Colt Caliber 45 automatic M1911A1 US Army, isang magasin at limang bala.
Ang dating miyembro ng CTG ay kasalukuyang nasa kustodiya na ng 803rd Maneuver Company, RMFB 8 bago iturn-over sa Northern Samar Police Provincial Office para sa kaniyang pagsasailalim sa programa ng ating gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
Ang pagbabalik-loob ng nasabing surrenderee ay representasyon na ang mga programa ng ating gobyerno sa pagwawakas ng insurhensiya at terorismo ay matagumpay na naipapatupad tungo sa pagkamit ng payapa at maunlad na Bagong Pilipinas.



