Mangatarem MPS, namahagi ng school supplies sa mga batang mag-aaral ng ECCD

0
59

Namahagi ng mga school supplies ang mga tauhan ng Mangatarem Municipal Police Station (MPS) sa pangunguna ni PMaj Arturo C. Melchor Jr., Chief of Police, sa isinagawang gift-giving activity noong Hulyo 14, 2026.

Naging katuwang ng Mangatarem MPS ang Lokal na Pamahalaan ng Mangatarem sa pamumuno ni Hon. Jensen F. Viray, Municipal Mayor, sa layuning makapagkaloob ng mahahalagang kagamitang pang-eskuwela sa mga Early Childhood Care and Development (ECCD) learners ng Barangay Mabini, Mangatarem, Pangasinan.

Sa isinagawang pamamahagi, tumanggap ang mga batang mag-aaral ng iba’t ibang school supplies na makatutulong sa kanilang pag-aaral at paghahanda para sa nalalapit na pagbubukas ng klase. Layunin din ng aktibidad na mahikayat ang mga bata na pahalagahan ang edukasyon at higit pang mapaigting ang kanilang interes sa pagkatuto.

Ipinakita ng pagtutulungan ng Mangatarem MPS at ng Lokal na Pamahalaan ng Mangatarem ang kanilang patuloy na suporta sa mga programang nakatuon sa kapakanan at kinabukasan ng kabataan. Sa pamamagitan ng mga ganitong inisyatiba, higit na napagtitibay ang ugnayan ng pulisya, pamahalaan, at komunidad sa pagsusulong ng de-kalidad na edukasyon at paghubog ng mas maliwanag na kinabukasan para sa mga batang Pilipino.

Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan

Source: Mangatarem MPS

Leave a Reply