Nagsagawa ang La Union Police Provincial Office (LUPPO), sa pangunguna ni PCol Redentor C. Ulsano, sa pamamagitan ng La Union Police Community Affairs and Development Unit (LUPCADU) na pinamumunuan ni PMaj Reymar L. Remegio, ng Men Opposed to Violence Against Women Everywhere (MOVE) Orientation Seminar noong Hulyo 15, 2026 sa Old Conference Room ng LUPPO, Camp Diego Silang, Carlatan, City of San Fernando, La Union.
Tinalakay ng mga resource speaker mula sa PNP at faith-based sector ang gender sensitivity, pagpapahalaga sa pamilya, responsableng pagiging ama, at mga umiiral na batas na nagpoprotekta sa kababaihan at kabataan.
Layunin ng seminar na palakasin ang kamalayan at aktibong pakikilahok ng mga PNP personnel sa pagsusulong ng paggalang sa kababaihan at kabataan, pag-iwas sa karahasan, at pagpapatibay ng ligtas at responsableng komunidad, bilang bahagi ng pagdiriwang ng 31st Police Community Relations (PCR).
Sa pamamagitan ng mga inisyatibang tulad nito, patuloy na isinusulong ng La Union PPO ang adhikain ng Philippine National Police na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” sa paghahatid ng mga programang nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay, paggalang sa karapatang pantao, at mas matibay na ugnayan sa komunidad.
Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan
Source: LUPPO



