Mahigpit na seguridad at public assistance, patuloy na ipinatutupad ng PNP sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong “UNDAS 2026”

0
48

Habang patuloy na dumadagsa ang mga pamilyang bumibisita sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay, tiniyak naman ng Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng pamumuno ni Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., Chief PNP, ang pinaigting na heightened security at police presence sa pamamagitan ng pagtalaga ng tinatayang nasa 166,365 personnel simula alas 6:00 ng umaga ng November 1, 2026 para sa ligtas at maayos na paggunita ng All Saints’ Day.

Kabilang sa mga itinalagang tauhan ang 78,952 PNP personnel, katuwang ang 20,837 personnel mula sa iba pang mga government agencies at yunit, at 67,524 force multipliers. Sa nasabing mga bilang, 29,185 sa mga ito ang idineploy sa mga sementeryo at columbaria, kasama ang mga 5,308 police assistance desks. Itinalaga naman ang iba pang mga tauhan sa ilang mga simbahan, major thoroughfares, transportation hubs, tourist destinations, at mga checkpoint areas para magbigay ng seguridad at emergency assistance.

Paliwanag pa ni PGen Nartatez na ang naturang kahandaan ng hanay ay bahagi ng hangarin nitong patuloy na tiyakin at isaalang-alang ang kaligtasan ng publiko, maging ang kaayusan at kapayapaan ng mga pangunahing lugar at sementeryo sa bansa sa panahon ng selebrasyon, alinsunod sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

“Mas marami tayong kababayan ang bumibisita ngayon sa mga sementeryo at memorial parks, kaya mas pinalakas natin ang police presence sa mga lugar na inaasahang dadagsain ng publiko. Our personnel are there not only to maintain peace and order but also to assist families, guide motorists, and respond to people who may need help. We want every Filipino to observe Undas with peace of mind, knowing that our police officers are ready to serve wherever they are needed (Nariyan ang ating mga tauhan hindi lamang upang panatilihin ang kapayapaan at kaayusan, kundi upang tumulong din sa mga pamilya, mag-alalay sa mga motorista, at tumugon sa mga taong maaaring mangailangan ng tulong. Layon nating ipagdiwang ng bawat Pilipino ang Undas nang may kapanatagan ng loob, sapagkat handang maglingkod ang ating mga pulis saanman sila kinakailangan),” saad pa ni CPNP Nartatez.

Samantala, nananatiling isinailalim sa Full Alert Status ang buong hanay ng Pambansang Pulisya hanggang sa matapos ang selebrasyon ng Undas kung saan tututukan ng PNP ang pagpapanatili ng seguridad, traffic management, at mga public assistance operations saan mang sulok ng bansa.

Patuloy namang hinihimok ng PNP ang publiko na ugaliing iprayoridad ang mga kinakailangang safety precautions habang ginugunita ang Undas, partikular na ang kanilang buong pamilya at mga tahanan.

“Ang kaligtasan ay hindi lamang responsibilidad ng kapulisan. We also need the cooperation of every family and every member of the community (Kailangan din natin ang pakikipagtulungan ng bawat pamilya at bawat miyembro ng komunidad). Bago umalis ng bahay, siguraduhing nakasara ang mga pinto at bintana. Sa mga sementeryo, bantayan ang mga bata at personal na gamit, at sa pagbiyahe, maging maingat at sumunod sa mga batas-trapiko. Simple precautions can prevent unnecessary incidents and help make this occasion safe and meaningful for everyone (Ang mga simpleng pag-iingat ay makakatulong upang maiwasan ang mga hindi kanais-nais na mga insidente at gawing ligtas at makabuluhan ang okasyong ito para sa lahat),” dagdag pa ni PGen Nartatez.

Source: PNP-PIO  https://www.facebook.com/share/p/19cazt1CLJ/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply