Mahigit Php8M halaga ng hinihinalang ilegal na droga, nakumpiska ng PRO CAR; 3 drug personalities, arestado

0
745

Mahigit Php8 milyon ang halaga ng hinihinalang mga ilegal na droga ang nakumpiska ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR), kasabay ng pagkakaaresto sa tatlong drug personalities, sa isinagawang 14 na anti-illegal drug operations mula Nobyembre 2 hanggang 8, 2026.

Sa naturang operasyon, na binubuo ng 11 marijuana eradication operations, isang search warrant implementation, isang police response, at isang checkpoint operation, nakumpiska ang 14,040 fully grown marijuana plants, 2,410 marijuana seedlings, 43,004.36 gramo ng marijuana leaves and fruiting tops, at 0.81 gramo ng hinihinalang shabu, na may kabuuang Standard Drug Price na Php8,070,431.20.

Samantala, tatlong lalaki na may edad 18, 21, at 38 ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon sa Luna, Apayao; La Trinidad, Benguet; at Sallapadan, Abra. Ang mga suspek, ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nanguna ang Benguet Police Provincial Office sa nakumpiskang ilegal na droga na nagkakahalaga ng Php5,664,400, habang nakapagtala naman ang Mountain Province PPO ng pagsira sa mga tanim na marijuana na nagkakahalaga ng Php2.4 milyon. Samantala, nakumpiska ng Abra PPO ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php5,508, habang nakapagtala ang Apayao PPO ng pagkakasamsam sa marijuana leaves and fruiting tops na nagkakahalaga ng Php523.

Patuloy ang pagsisikap ng PRO CAR at mga yunit nito na sugpuin ang ilegal na droga, panagutin ang mga sangkot dito, at protektahan ang mga komunidad laban sa masasamang epekto ng ipinagbabawal na gamot, alinsunod sa adhikain ng Pambansang Pulisya na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PRO CAR (https://www.facebook.com/share/p/1Ef16X5dYt/)

Leave a Reply