Mahigit Php497M halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam sa NAIA at Bacolod; tatlong indibidwal, arestado

0
86

Nasabat ang mahigit Php497 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa magkahiwalay na pinaigting na operasyon kontra iligal na droga sa Express Cargo Clearance Facility ng PAIR-PAGS Center, NAIA Complex, Pasay City at sa Purok Lampirong, Brgy. 2, Bacolod City nito lamang Oktubre 5, 2026.

Ayon kay Police General Jose Melencio C Nartatez Jr., Chief ng Philippine National Police (PNP), nasabat ang isang papasok na parcel na naglalaman ng humigit-kumulang 73.002 kilo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price Php496.413 milyon sa NAIA. Nabatid na ang shipper ay isang dayuhan mula sa Mexico, habang isang Pilipino naman ang nakalistang consignee.

Samantala, sa Bacolod City ay nasamsam naman ang nasa 230 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng Php1.564 milyon at iba pang non-drug items mula sa tatlong naarestong suspek.

“We will continue to work on the points where these illegal drugs move, whether at entry facilities or within communities. The approach is simple: verify the information, coordinate properly, and act within the law,” (Patuloy nating pagtutuunan ng pansin ang mga lugar kung saan dumadaan ang mga ilegal na droga, maging sa mga entry facility o sa loob ng mga komunidad. Simple ang pamamaraan: beripikahin ang impormasyon, maayos na makipag-ugnayan, at kumilos alinsunod sa batas.) pahayag ni PGen Nartatez.

Bahagi ang mga operasyon ng Enhanced Managing Police Operations (EMPO) sa ilalim ng PNP Focused Agenda, na nagbibigay-diin sa koordinado at nakabatay sa impormasyon na pagkilos ng pulisya.

Patuloy na makikipag-ugnayan ang PNP sa mga kinauukulang ahensya upang mapigilan ang paggalaw ng ilegal na droga, habang tinitiyak na ang bawat operasyon ay isinasagawa alinsunod sa batas at may wastong paggalang sa mga karapatan ng lahat ng taong sangkot, alinsunod sa pangako ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”

Source: PNP-PIO

Leave a Reply