Mahigit Php21M halaga ng smuggled na sigarilyo, narekober ng PNP-Maritime Group sa Negros Occidental

0
202
Screenshot

Naaresto ng mga tauhan ng PNP-Maritime Group, 4th Special Operations Unit (SOU), ang pitong suspek matapos maaktuhan na sakay ng motorized banca na may markang “AMORFATI” na nagdadala ng tinatayang humigit-kumulang PhP21 milyong halaga ng mga pinaghihinalaang smuggled cigarettes sa municipal waters ng Barangay Maricalum, Sipalay City, Negros Occidental, madaling-araw noong Agosto 15, 2026.

Nang nilapitan at inspeksiyunin ng mga awtoridad ang naturang bangka, agad na nakita ang mga kahon ng mga naturang produkto na nakasalansan sa deck. Hindi rin nakapagpakita ang mga sakay ng kaukulang dokumento o permit para sa ligal na pagmamay-ari at transportasyon ng mga produkto, malinaw na paglabag sa Section 7 ng Republic Act No. 12022.

Dinala ang mga suspek, kasama ang mga nasamsam na ebidensya, sa Headquarters ng 4th SOU para sa kaukulang dokumentasyon. Samantala, isusumite ang mga nasamsam na tobacco products sa National Tobacco Administration para sa valuation at verification at sa Bureau of Internal Revenue para sa kaukulang tax assessment, bilang suporta sa pagsasampa ng nararapat na kaso.

Bilang bahagi ng adbokasiya ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” magpapatuloy ang parehong mga operasyon ng Pambansang Pulisya upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan, maging ang kaligtasan ng bawat mamamayan.

Source: https://www.facebook.com/share/p/19DYdyA1AC/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply