Mahigit Php2.1M halaga ng marijuana plants, sinunog sa Kalinga at Benguet

0
56

Mahigit Php2.1 milyong halaga ng mga tanim na marijuana ang nadiskubre sa magkahiwalay na marijuana eradication operations ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR) sa Kalinga at Benguet noong Setyembre 12, 2026, bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga.

Sa Kalinga, natuklasan ng magkasanib na puwersa ng Tinglayan Municipal Police Station (MPS), 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company (PMFC), Provincial Intelligence Unit (PIU), at Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Kalinga Police Provincial Office (PPO), katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Kalinga, ang isang plantasyon sa Brgy. Loccong, Tinglayan na naglalaman ng 10,200 fully grown marijuana plants (FGMJP) na may Standard Drug Price (SDP) na Php2.04 milyon.

Samantala, sa Sitio Legab, Brgy. Kayapa, Bakun, Benguet, nadiskubre naman ng mga operatiba mula sa Bakun MPS, 1st Benguet PMFC, PDEU at PIU ng Benguet PPO, Regional Intelligence Division ng PRO CAR, Regional Intelligence Unit-14, at PDEA-CAR ang 780 fully grown marijuana plants na may kabuuang SDP na Php156,000. Agad na sinira sa pamamagitan ng pagsunog ang lahat ng mga nadiskubreng tanim, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang iba pang posibleng plantasyon at mga indibidwal na nasa likod ng ilegal na pagtatanim.

Sa pamamagitan ng magkasanib na operasyon at intelligence-driven efforts, patuloy na pinaiigting ng PRO CAR at mga katuwang na ahensya ang pagtugon laban sa ilegal na pagtatanim at produksyon ng marijuana upang maprotektahan ang mga komunidad at maiwasan ang pagkalat ng ilegal na droga. Ang mga hakbang ay nakatuon sa maagap at matatag na pagpapatupad ng batas, alinsunod sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PRO CAR

Leave a Reply