Bunsod ng isasagawang Rally for Transparency and a Better Democracy ng Iglesia Ni Cristo, asahan ang pagbagal ng daloy ng trapiko sa paligid ng EDSA People Power Monument sa November 16-18, 2025, kabilang ang mga sumusunod na kalsada:

• Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA)
• Katipunan Avenue
• Ortigas Avenue
• White Plains Avenue
• Temple Drive

Pansamantalang isasara ang kahabaan ng White Plains Avenue sa pagitan ng EDSA at Katipunan Avenue sa November 16, 2025.
Nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), Department of Public Order and Safety (DPOS), Task Force Disiplina, at Quezon City Police District (QCPD) para matiyak ang kaayusan ng daloy ng trapiko sa nasabing lugar.

Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta. Salamat po sa inyong pang-unawa.
Source: Quezon City Government



