Accounting of QCPD personnel, isinagawa bilang paghahanda sa 3-Day UPI Rally

0
643

Isinagawa ang accounting ng mga tauhan ng Quezon City Police District bilang paghahanda sa 3-Day United People’s Initiative (UPI) Rally for Transparency, Accountability, and Justice bandang 9:00 ng umaga nito lamang Nobyembre 15, 2025 sa QCPD Gymnasium, Camp Karingal, Quezon City.

Ito ay pinangunahan ni Police Colonel Randy Glenn Silvio, Acting District Director ng QCPD, upang masiguro na handa anumang oras ang kapulisan upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng bawat mamamayan na kalahok sa naturang tatlong araw na rally.

Pinaalalahanan din ni PCol Silvio, ang lahat ng tauhan na panatilihin ang propesyonalismo, pairalin ang maximum tolerance, at palakasin ang koordinasyon sa iba pang ahensya ng gobyerno upang maging matagumpay ang deployment ng kapulisan.

Source: Quezon City Police District

Panulat ni PMSg Grace Ortiz