Magiting na opisyal ng PNP, nasawi habang ginagampanan ang sinumpaang tungkulin sa bayan

0
253

Patay ang isang magiting na opisyal ng Philippine National Police (PNP) habang ginagampanan ang kanyang sinumpaang tungkulin para sa kapayapaan ng bansa sa ikinasang buy-bust operation sa Purok Malipayon, Brgy. Dao, Pagadian City, Zamboanga del Sur nito lamang umaga ng Linggo, Agosto 23, 2026.

Kinilala ni Police Brigadier General Dennis E Esguerra, Regional Director ng Police Regional Office 9, ang nasawing pulis na si Police Major Aiman Khuzaimah P. Pantaran, 35 anyos, Intelligence Officer ng Pagadian City Police Station, graduate ng Philippine National Police Academy (PNPA) Tagapamagitan Class of 2013.

Nabatid na ang operasyon ay isinagawa laban sa mga suspek na sangkot sa ilegal na pagbebenta ng mga baril. Nang mapagtanto na ang mga taong kanilang ka-transaksyon ay mga pulis, bigla na lamang nitong pinagbabaril ang mga awtoridad, at nagtamo si PMaj Pantaran ng mga tama ng bala na dahilan ng kanyang pagkasawi, at agad gumanti ng putok ang pulisya na dahilan upang masawi rin ang dalawang suspek.

Samantala, nagdadalamhati ang buong pamunuan ng PRO 9 sa pagkawala ni PMaj Pantaran, na kilala bilang isang mabait, madaling lapitan at dedicated public servant.

“With profound sorrow, we mourn the passing of Police Major Aiman Khuzaimah P Pantaran, who made the ultimate sacrifice while carrying out his duty during a police operation. His loss is deeply felt by the entire Police Regional Office 9 family. Behind the uniform was a fellow officer, a brother, and a person whose life was dedicated to protecting others” (Sa matinding kalungkutan, ating ipinagluluksa ang pagpanaw ni Police Major Aiman Khuzaimah P. Pantaran, na nag-alay ng kanyang buhay sa pagtupad sa tungkulin habang nagsasagawa ng isang police operation. Ang kanyang pagkawala ay labis na nadarama ng buong pamilya ng Police Regional Office 9. Sa likod ng uniporme ay isang kapwa pulis, isang kapatid, at isang taong buong buhay na inialay ang sarili sa pagprotekta at paglilingkod sa iba), mensahe ni RD Esguerra.

Source: Police Regional Office 9

Leave a Reply