Isabela PPO, nagsagawa ng Bloodletting Activity at Optical Mission

0
301

Matagumpay na isinagawa ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) ang Bloodletting Activity at Optical Mission sa Camp Lt. Rosauro D. Toda Jr., City of Ilagan, Isabela noong Agosto 19, 2026, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kalusugan, kapakanan, at serbisyong may malasakit para sa kapulisan at komunidad.

Sa pangunguna ni PCol Manuel B. Bringas, Provincial Director ng Isabela PPO, isinagawa ang dalawang makabuluhang aktibidad katuwang ang mga partner organization at advocacy support groups. Isinagawa ang Bloodletting Activity sa pakikipagtulungan ng Philippine Red Cross–Isabela Chapter, habang katuwang naman sa Optical Mission si Dr. Rizalina S. Sagaysay, Ophthalmologist at Proprietor ng Eye Care Clinic.

Sa Bloodletting Activity, kabuuang 71 bag o 31,950 cc ng dugo ang nakolekta mula sa mga kwalipikadong donor na binubuo ng personnel mula sa PHQ-IPPO, mga IPMFCs, Police Stations, at Advocacy Support Groups. Samantala, 70 benepisyaryo, kabilang ang 54 PNP personnel at 16 sibilyan, ang nabigyan ng serbisyong pangkalusugan sa isinagawang Optical Mission. Ipinakita ng dalawang aktibidad ang kahalagahan ng pagtutulungan ng kapulisan, mga katuwang na organisasyon, at komunidad sa pagtugon sa mga pangangailangang pangkalusugan.

Patuloy na isinusulong ng Isabela PPO ang mga programang naglalayong maghatid ng serbisyong may tunay na malasakit at pakinabang sa mga personnel at mamamayan, alinsunod sa adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PNP Isabela

Leave a Reply