Mabilis na aksyon ng Pulis-Nars, nagligtas sa mag-ina sa gitna ng panganganak sa motorbanka

0
31
Screenshot

Muling ipinamalas ni PCpl Rachelle A Dondonilla, na nakatalaga bilang Women and Children Protection Desk (WCPD) PNCO ng Rapu-Rapu Municipal Police Station, ang kanyang kahandaan at dedikasyon sa serbisyo matapos itong rumesponde sa isang insidente ng panganganak habang sakay ng isang motorbanca mula Brgy. Bilbao, Rapu-Rapu, Albay, nito lamang May 2, 2026, bandang alas-2:30 ng hapon.

Pagdating sa lugar, agad na sinuri ni PCpl Dondonilla, na isa ring lisensyadong nurse, ang kalagayan ng ina. Napag-alaman niyang nailuwal na ang sanggol ngunit hindi pa napuputol ang pusod.

Sa pamamagitan ng kanyang kaalaman sa medisina, maingat at ligtas niyang isinagawa ang tamang pamamaraan upang maputol ang pusod at matiyak ang kaligtasan ng mag-ina.

“Bilang isang pulis at nurse, tungkulin kong tiyakin ang kaligtasan ng bawat mamamayan. Sa ganitong sitwasyon, mahalaga ang agarang aksyon at tamang kaalaman upang mailigtas ang buhay ng ina at sanggol.” pahayag pa ni PCpl Dondonilla

Ang matagumpay na pagresponde ng pulisya sa nasabing insidente ay patunay ng dedikasyon at hangarin ng himpilan na Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.

Leave a Reply