Mabilis na aksyon ng Polangui MPS, nagbigay ng agarang tugon sa insidente ng pag-aamok

0
162

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Polangui Municipal Police Station (MPS) sa isang naitalang insidente ng alarm and scandal o pag-aamok sa Barangay Napo, Polangui, Albay noong gabi ng Hulyo 3, 2026.

Matapos makatanggap ng ulat, mabilis na nagtungo sa lugar sina PMSg Marlon Agarin at PCpl Paul Remon sakay ng Toyota Hilux patrol vehicle. Sa loob lamang ng apat na minuto ay narating ng mga pulis ang pinangyarihan upang tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga residente.

Pagdating ng mga rumespondeng pulis, napayapa na ang sitwasyon at wala nang nagpapatuloy na kaguluhan.

Ang insidente ay kaagad na isinangguni at isinailalim sa pangangasiwa ng barangay para sa kaukulang imbestigasyon at pagresolba alinsunod sa umiiral na mga patakaran.

Patuloy na pinaaalalahanan ng Polangui MPS ang publiko na ang anumang uri ng pag-aamok, panggugulo, at iba pang gawaing nagdudulot ng takot, ingay, at abala sa komunidad ay may kaukulang pananagutan sa ilalim ng batas. Hinihikayat din ang lahat na pairalin ang disiplina, respeto, at mapayapang pakikitungo upang mapanatili ang kaayusan sa komunidad.

Muling pinatutunayan ng Polangui MPS ang kanilang kahandaan sa pagbibigay ng maagap at episyenteng serbisyo upang matiyak ang kaligtasan at kapanatagan ng mamamaya

Leave a Reply