“Love Drive” ng Zamboanga Sibugay PNP, muling umarangkada sa Aurora Primary School, Talusan Island

0
299

Muling umarangkada ang “Love Drive” ng mga tauhan ng Zamboanga Sibugay Police Provincial Office sa ilalim ng liderato ni Police Colonel Barnard Danie V Dasugo, Provincial Director, para sa mga mag-aaral ng Aurora Primary School sa Talusan, Zamboanga Sibugay nito lamang Agosto 27, 2026.

Dala ng kapulisan ang mga backpack, payong, pagkain, at iba pang school supplies na makatutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral para sa buong school year.

Mainit na tinanggap ang grupo ni Hon. Gilbert T. Edem, Municipal Mayor ng Talusan, kasama ang mga guro at batang mag-aaral na nagpasalamat sa biyayang natanggap na nagdala ng pag-asa at saya.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni PCol Dasugo ang layunin na makapagbigay ng tulong sa mga mag-aaral na higit na nangangailangan nito. Ayon sa kanya, naisakatuparan ang makabuluhang outreach program sa pamamagitan ng Back-to-School Half Marathon na isinagawa kamakailan at sinuportahan nang bukas-palad ng mga indibidwal at iba’t ibang organisasyon.

Nagpasalamat din si PCol Dasugo kay Mayor Edem sa presensya at suporta nito, at binigyang-diin ang kahalagahan ng matibay na ugnayan sa pagitan ng pulisya at lokal na pamahalaan sa pagsusulong ng mga programang nakatuon sa kapakanan at pag-unlad ng komunidad, lalo na para sa kabataan.

Sa pamamagitan ng mga programang tulad ng “Love Drive,” layunin ng Zamboanga Sibugay PNP na hindi lamang mapanatili ang seguridad kundi maging katuwang din ng komunidad sa paghubog ng mas magandang kinabukasan para sa kabataan na naayon sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: Zamboanga Sibugay Police Provincial Office

Panulat ni PMSg Grace Ortiz

Leave a Reply