Drug suspect, arestado sa Iloilo City; Php374K halaga ng hinihinalang shabu, nakumpiska

0
144
Screenshot

Arestado ang isang drug suspect matapos makumpiska mula sa kanya ang humigit-kumulang 55 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang Standard Drug Price na Php374,000.00 sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Police Regional Office 6 sa Brgy. Benedicto, Jaro, Iloilo City, dakong alas 7:30 ng gabi noong Agosto 27, 2026.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Pepoy,” 38 taong gulang, binata, at residente ng Jaro, Iloilo City.

Isinagawa ang operasyon ng Iloilo City Drug Enforcement Unit (CDEU), katuwang ang Iloilo City Police Station 9 – Station Drug Enforcement Team (SDET), matapos ang masusing intelligence gathering, validation, surveillance, at target profiling.

Naaresto ang suspek matapos umanong magbenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa isang poseur-buyer. Sa isinagawang operasyon, narekober ang limang pakete ng hinihinalang shabu at buy-bust money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon, habang inihahanda ang pagsasampa ng kaukulang kaso sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinuri ni PRO6 Regional Director PBGen Randulf T Tuaño ang mga operatiba sa matagumpay na operasyon na bahagi sa adbokasiya ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat at nararamdaman. Aniya, “Ang pagkakaaresto sa isang High-Value Individual at pagkakasamsam ng humigit-kumulang 55 gramo ng hinihinalang shabu ay nagpapakita ng ating patuloy at tutok na kampanya laban sa mga personalidad na sangkot sa ilegal na droga. Hindi natin hahayaang malayang makapag-operate ang sinumang nagdadala at nagpapalaganap ng ilegal na droga sa ating mga komunidad.”

Binigyang-diin din ng Regional Director ang kahalagahan ng intelligence-driven operations, masusing target validation, at mahigpit na koordinasyon upang matukoy at maputol ang mga network ng ilegal na droga.

“Hindi lamang ang mga nasa harapan ng ilegal na kalakalan ng droga ang ating tutugisin. Patuloy nating susundan ang bawat impormasyon at ebidensyang maaaring magturo sa kanilang mga supplier, kasamahan, at iba pang konektadong personalidad. Walang puwang sa Western Visayas ang ilegal na droga, at mananagot sa batas ang sinumang sangkot dito,” dagdag pa niya.

Sa ilalim ng Responsive, Trusted, and Transformative Policing framework for a Safer Western Visayas, nananatiling matatag ang PRO6 sa pagpapatupad ng intelligence-driven law enforcement operations, pagpapalakas ng koordinasyon sa mga katuwang na ahensya, at pagprotekta sa mga komunidad laban sa panganib na dulot ng ilegal na droga.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1aV3dRbr6f/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply