Libreng Sakay hatid ng QCPD Fairview PS sa mga commuter sa gitna ng ulan

0
17

Sa kabila ng malakas na ulan at hindi magandang lagay ng panahon, patuloy na naghatid ng libreng sakay ang Quezon City Police District – Fairview Police Station (PS) sa pangunguna ni PLtCol Albert Jefferson N. Relente, Station Commander, bilang bahagi ng kanilang Oplan Paglilingkod para sa mga mamamayang nangangailangan ng tulong.

Isinagawa ng Fairview Police ang Libreng Sakay noong Agosto 19, 2026 upang matulungan ang mga commuter na nahihirapang makahanap ng masasakyan dulot ng masamang panahon. Sa pamamagitan nito, naibsan ang suliranin ng mga pasaherong kailangang makauwi o makarating sa kanilang destinasyon sa gitna ng patuloy na pag-ulan.

Ipinakita ng QCPD Fairview Police Station ang kahandaan ng kapulisan na umalalay at tumugon sa pangangailangan ng publiko, rain or shine. Ang naturang inisyatiba ay patunay ng malasakit at dedikasyon ng PNP sa pagpapanatili ng kaligtasan at kapakanan ng mamamayan, alinsunod sa “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: QCPD Fairview (https://www.facebook.com/share/p/1FL4vsmwZd/?mibextid=wwXIfr)

Leave a Reply