Ipinangako ni Police General Rommel Francisco Marbil, Hepe ng Pambansang Pulisya na magbibigay ang PNP ng legal na tulong sa mga pulis na nahaharap sa kontra-kasuhan nito lamang Lunes, Mayo 6, 2024 kasabay ng isinagawang Flag Raising Ceremony sa Camp BGen Rafael T Crame, Quezon City.
Sa kanyang mensahe, ipinahayag nito na ang kontra-kasuhan ay kabilang sa mga pangunahing hamon na kinakaharap ng mga pulis sa pagganap ng kanilang mga tungkulin.
“Alam ko naman lahat kayo na operatiba ang pinakaproblema natin sa PNP is ‘yung mga counter charges and minsan kapag nakaka-counter charge kayo ang mga pulis natin bumubunot ng kanilang pera,” saad nito.
Maliban sa legal aid, ninanais din ni PGen Marbil na magkaroon ng health insurance ang bawat pulis at inaasahan ang donasyon mula sa Public Safety Mutual Benefit Fund Inc (PSMBFI).
“Sinusubukan naming gawin ang lahat para sa aming mga pulis, para iisa lang ang iisipin niyo, ibibigay natin lahat para sa pulis natin pero isa lang ang request namin sa inyo. Gagawin ang lahat ng ating makakaya para sa mga tao natin, sa mga kliyente natin”, ani PBGen Marbil.
Source: PNA