Sunday, May 19, 2024

Dalawang miyembro ng UGMO, balik-loob sa pamahalaan

Boluntaryong nagbalik-loob sa mga awtoridad ang dalawang miyembro ng Underground Mass Organization sa himpilan ng 2nd Samar Provincial Mobile Force Company sa Barangay Pabanog, Paranas, Samar nito lamang ika-6 ng Mayo 2024.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Alex C Dang-Aoen, Force Commander ng 2nd Southern Provincial Mobile Force Company, ang mga nagbalik-loob na sina alyas “Rowell”, 37, magsasaka at alyas “Sonny”, 50, magsasaka, na pawang mga residente ng Barangay Hubasan, Calbiga, Samar.

Ang matagumpay na pagbabalik-loob ay resulta ng patuloy na panawagan at pagsisikap ng mga tauhan ng 2nd Samar Provincial Mobile Force Company kasama ang tracker team ng 802nd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8.

Ang mga surenderee ay nasa kustodiya ng 2nd Samar Provincial Mobile Force Company habang pinoproseso ang kanilang pagsasailalim sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP ng ating pamahalaan para sa kanilang pagsisimula ng bagong buhay.

Ang kanilang pagbabalik-loob ay nagpapakita na ang ating gobyerno ay seryoso na wakasan na ang insurhensiya at terorismo sa bansa upang makamit ang isang bayan na tahimik, ligtas, mapayapa at maunlad tungo sa minimithi nating Bagong Pilipinas.

Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,140SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles