Naaresto ng mga operatiba ng Rosales Municipal Police Station (MPS) ang isang 26-anyos na lalaki na nahaharap sa mga kasong Statutory Rape at Rape by Sexual Assault sa isinagawang pagpapatupad ng warrant of arrest sa Barangay Coliling, Rosales, Pangasinan, bandang alas-8:00 ng gabi noong Hulyo 1, 2026.
Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Rosales MPS sa ilalim ng pangangasiwa ni PMaj Arnold A. Soriano, Officer-in-Charge, na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado na kinilalang si alyas “Rad,” 26 taong gulang, isang agricultural technician at residente ng nasabing barangay.
Inaresto ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest para sa mga kasong statutory rape at rape by sexual assault na may Criminal Case Nos. 8382-R at 8383-R, na inisyu noong Hunyo 23, 2026.
Patuloy na pinaiigting ng Rosales MPS ang kampanya laban sa mga wanted person bilang bahagi ng pagpapatupad ng batas at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad, alinsunod sa adbokasiyang “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan
Source: Rosales MPS



