Lalaking umanoy sangkot sa alarm and scandal, arestado ng Tupi MPS sa South Cotabato

0
205

Arestado ng Tupi Municipal Police Station (MPS) ang isang lalaki na sangkot umano sa isang nakakaalarmang social media post na may ipinakitang baril sa Purok 10B, Brgy. Poblacion, Tupi, South Cotabato, noong Setyembre 20, 2026.

Agad na nagsagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad matapos matukoy ang naturang post. Sa isinagawang operasyon, nakumpiska ang cellphone na pinaniniwalaang ginamit kaugnay ng nasabing insidente.

Kasunod nito, sinampahan ng reklamong alarm and scandal sa ilalim ng Article 155 ng Revised Penal Code, kaugnay ng Section 6 ng Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012, laban sa suspek na kinilalang si alyas “Roby” sa Office of the Provincial Prosecutor.

Isasailalim naman sa technical examination ng Regional Anti-Cybercrime Unit 12 ang nakumpiskang cellphone upang makatulong sa pagkuha, pagsusuri, at pangangalaga ng mga kaugnay na digital evidence.

Binigyang-diin ni PBGen Alan B. Manibog, Regional Director ng Police Regional Office 12, ang kahalagahan ng agarang pag-uulat sa mga kahina-hinalang insidente at responsableng paggamit ng social media upang maiwasan ang hindi kinakailangang pangamba sa publiko.

“Hinihikayat natin ang lahat na maging responsable sa paggamit ng social media at huwag mag-post ng anumang maaaring magdulot ng alarma o banta sa seguridad ng iba,” pahayag ni PBGen Manibog

Source Link: https://www.facebook.com/share/p/1DtDxX1yZk/

Leave a Reply