Arestado ang isang 42-anyos na lalaki matapos makumpiskahan ng hindi rehistradong baril sa isinagawang police checkpoint operation noong Hulyo 30, 2026, sa CMFC 3rd Platoon Base sa Barangay Apopong, General Santos City.
Kinilala ni Police Brigadier General Alan B Manibog, Acting Regional Director ng Police Regional Office 12, ang suspek na si alias Jonel, residente ng Barangay Cannary, Polomolok, South Cotabato, na nasita ng mga tauhan ng City Mobile Force Company ng General Santos City Police Office katuwang ang Police Station 2.
Narekober mula sa suspek ang isang kalibre .45 na pistola na walang serial number at nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code at Republic Act No. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Pinuri ni PBGen Manobog, ang mga operatiba at binigyang-diin ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na pagpapatupad ng mga checkpoint upang mapigilan ang pagdadala ng mga ilegal na armas at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Source: Police Regional Office 12



