Inaresto ng mga tauhan ng Cebu City Police Station 2 ang isang armadong lalaki matapos makatanggap ng ulat mula sa isang concerned citizen sa Sitio Pailub, Barangay Sambag 1, Cebu City noong Hulyo 29, 2026.
Kinilala ni PMaj Aris B Tormo, Officer-in-Charge ng PS2 CCPO ang suspek na si alyas “Alfien”, 28 anyos at residente ng naturang lugar.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang .9mm caliber revolver at dalawang bala nito. Nabigo rin itong magpakita ng kaukulang permit o legal na dokumento para sa pagmamay-ari ng naturang baril.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Pinuri ng Cebu City Police Office ang maagap na pagtugon ng mga operatiba at ang pakikipagtulungan ng publiko na naging susi sa matagumpay na pagkakaaresto sa suspek. Muling pinagtibay ng CCPO ang patuloy nitong kampanya laban sa ilegal na pag-iingat ng mga baril bilang bahagi ng pagsusulong ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Panulat ni Pat Flora Mae Asarez
Source: Cebu CPO – Police Station 2



