South Cotabato – Nagsagawa ng cascading ng KASIMBAYANAN o Kapulisan, Simbahan at Pamayanan tungo sa Kaunlaran ang Police Regional Office 12-Regional Community Affairs and Development Division sa South Cotabato Police Provincial Office na ginanap sa Viajera Dine and Café, Koronadal City nito lamang Setyembre 7, 2022.
Ito ay pinangunahan nina Police Colonel Gilberto B Tuzon, Officer-In-Charge ng Regional Community Affairs and Development Division, Police Major Mohammad Jihadi M Abdelgafur, Deputy Regional Pastoral Officer, Police Lieutenant Romel T Sumalinog, Officer-In-Charge, Regional Community Affairs and Development Unit 12 at iba pang mga kapulisan ng South Cotabato Police Provincial Office (SPPO).
Dumalo rin sa naturang aktibidad ang mga kinatawan at miyembro mula sa religious sector, ABC president, Provincial Governor’s office, DILG- South Cotabato, Non-Government Office, Advocacy Support Groups, at mga focal person ng PNP KASIMBAYANAN ng SPPO.
Nakasentro ang inilunsad na aktibidad patungkol sa peace at security framework ni Chief PNP, Police General Rodolfo S. Azurin Jr., ang M+K+K=K o ang Malasakit + Kaayusan + Kapayapaan = Kaunlaran at KASIMBAYANAN.
Kung saan nilinaw ng RCADD 12, sa pamamagitan ng KASIMBAYANAN, na sama-samang maghahatid ng serbisyo sa ating komunidad na may malasakit sa mamamayan para mapanatili ang kaayusan at kapayapaan tungo sa kaunlaran ng bansa.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin