Nagsagawa ng student safety awareness lecture ang mga tauhan ng Kapalong Municipal Police Station sa ilalim ng liderato ni Police Major Raul M Lucas, Officer-In-Charge, sa Covered Court ng Pag-asa Elementary School, Brgy. Pag-asa, Kapalong, Davao del Norte nito lamang Oktubre 5, 2026.
Tinalakay sa nasabing aktibidad ang RA 10627 o Anti-Bullying Act of 2013, RA 8353 o Anti-Rape Law, at RA 11313 o Bawal Bastos Law na pinangunahan ni PCpl Aisa T Manuel, PCR Clerk.
Bahagi ito ng patuloy na community engagement at crime prevention efforts ng PNP upang mapalawak ang kaalaman ng mga kabataan at maprotektahan ang kanilang karapatan, kaligtasan, at dignidad na napapaloob sa layunin ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: Kapalong Municipal Police Station

