Matagumpay na ginanap ngayong araw, ika-19 ng Mayo 2026, ang KAOLYMPICS 2026 na pinangunahan ng Ilocos Sur Police Provincial Office sa ilalim ng mahusay at masiglang pamumuno ni PCol Agosto M Asuncion, Provincial Director, bilang bahagi ng pagpapatibay ng pagkakaisa, samahan, at kooperasyon ng iba’t ibang uniformed service agencies.
Naging makahulugan ang nasabing aktibidad dahil nagsilbi itong daan upang higit pang mapalakas ang camaraderie, teamwork, sportsmanship, at inter-agency collaboration ng mga ahensiyang katuwang sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaligtasan ng publiko.
Kabilang sa mga lumahok sa KAOLYMPICS 2026 ang mga kinatawan mula sa Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, Philippine Coast Guard, Philippine Drug Enforcement Agency, at Philippine Army na aktibong nakibahagi upang maging matagumpay at makabuluhan ang programa.
Dumalo nman ni Hon. Ma. Elaine A. Sarmiento, Vice Mayor ng San Juan, bilang Guest of Honor and Speaker binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagkakaisa, disiplina, kooperasyon, at matatag na samahan ng mga law enforcement at public safety agencies upang mas mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at mahusay na serbisyo publiko.
Hindi lamang naging entablado ng paligsahan at physical wellness ang KAOLYMPICS 2026, kundi nagsilbi rin itong pagkakataon upang higit pang pagtibayin ang samahan, suporta, at malasakit ng bawat ahensya na may iisang layunin na mapanatili ang seguridad at kapakanan ng mamamayan.
Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan
Source: Ilocos Sur PPO



