Opisyal na inilunsad ng Police Regional Office 3 (PRO3), sa pamumuno ni PBGen Jess B. Mendez, Regional Director, ang Joint Police and Barangay Peacekeeping Action Teams Mobilization Toward Crime Prevention and Detection in Central Luzon (JBM) Patrol System noong Agosto 12, 2026. Layunin nitong higit na palakasin ang police-community partnership at isulong ang maagap at sama-samang pagkilos laban sa krimen sa mga komunidad sa rehiyon.
Pinag-uugnay ng JBM Patrol System ang mga tauhan ng pulisya, Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs), mga opisyal ng barangay, Local Government Units (LGUs), Department of the Interior and Local Government (DILG), at iba pang stakeholders upang mapalakas ang police visibility, information-sharing, early intervention, at pakikipag-ugnayan sa publiko.
Binigyang-diin ni PBGen Mendez ang kahalagahan ng pagiging malapit ng pulisya sa mamamayan upang higit silang makilala, mapagkatiwalaan, at maging katuwang sa pagpapanatili ng seguridad. Sa pamamagitan ng JBM Patrol System, layunin ng PRO3 na hindi lamang madagdagan ang police presence kundi maging mas maagap sa pagpigil sa krimen, pagtugon sa mga banta, at pagpapanatili ng kaligtasan sa bawat barangay.
Sa patuloy na pagtutulungan ng PNP, barangay, LGUs, at iba pang katuwang, isinusulong ng PRO3 ang isang mas matatag na komunidad na nagkakaisa para sa kapayapaan at seguridad, kaakibat ang paninindigan ng PNP tungo sa “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: PRO 3 (https://www.facebook.com/share/p/14stoaC84Se/?mibextid=wwXIfr)



