Isabela PPO, nagsagawa ng showdown inspection; operational readiness, pinaigting

0
22

Pinalakas ng Isabela Police Provincial Office (PPO) ang police readiness, disiplina, at accountability ng mga tauhan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng showdown inspection sa mga short at long firearms ng Provincial Headquarters personnel noong Setyembre 22, 2026, sa IPPO Admin Building, Brgy. Baligatan, City of Ilagan, Isabela.

Pinangunahan ang aktibidad ni Police Lieutenant Colonel Genesis C Cabacungan, Deputy Provincial Director for Administration. Layunin ng inspeksyon na matiyak na ang mga issued firearms ng mga personnel ay maayos, malinis, kumpleto, ligtas, at nasa wastong kondisyon, alinsunod sa umiiral na mga polisiya at pamantayan ng Pambansang Pulisya.

Bukod sa Provincial Headquarters, isinagawa rin ang kaukulang showdown inspections sa mga tauhan ng 1st Isabela Provincial Mobile Force Company (PMFC), police stations, at mobile forces sa buong lalawigan bilang bahagi ng mas malawak na pagsusuri sa kanilang operational readiness at kondisyon ng mga kagamitang ginagamit sa police operations at deployment.

Ayon kay Police Colonel Manuel B Bringas, Provincial Director ng Isabela PPO, mahalagang bahagi ng police readiness ang regular na pagsusuri sa mga kagamitan at firearms ng mga tauhan upang matiyak ang kanilang kahandaan sa anumang sitwasyong nangangailangan ng maagap at nararapat na pagtugon.

Patuloy namang isinusulong ng Isabela PPO ang disiplina, accountability, at operational preparedness ng bawat personnel bilang bahagi ng pagbibigay ng mabilis, tapat, at nararamdamang serbisyo para sa kapayapaan, seguridad, at kaligtasan ng mga mamamayan, alinsunod sa “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: https://www.facebook.com/share/p/19fMff6ZXS/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply